CAUAYAN CITY- Umakyat na sa 1,669 ang COVID 19 positive sa region 2 matapos madagdagan ng 13 panibagong positibo sa virus.
Pinakamaraming naidagdag ay mula sa lalawigan ng Cagayan kung saan anim ang mula sa Tuguegarao City, tig-iisa sa mga bayan ng Tuao at Alcala.
Sa Nueva Vizcaya ay 3 ang naidagdag na pawang mula sa bayan ng Bayombong.
Sa Isabela ay may 2 panibagong kaso na mula sa Ilagan City at bayan ng Jones.
Sa kabuoan ay pinakamarami pa ring naitalang positibo sa virus ang Isabela na mayroong kabuoang 617 kung saan 111 ang active cases, 500 ang recoveries at 6 ang namatay.
559 naman ang kabuoang naitala sa Nueva Vizcaya kung saan 253 ang active cases, 300 ang recoveries at 16 ang namatay.
Sa Cagayan ay mayroong 408 confirmed COVID-19 positive, 93 ang active cases, 311 ang recoveries at 4 ang namatay,
Habang sa Santiago City ay 80 confirmed COVID-19 positive, 10 ang active cases, 69 siyam ang recoveries at isa ang patay.
Sa Quirino ay 5 ang COVID 19 positive at lahat ay naka-recover.
Nanatiling COVID-19 free ang lalawigan ng Batanes.