-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Muling nakapagtala ang region 2 ng 20 panibagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 habang may isa rin ang nasawi.

Sa nasabing bilang ay tatlong kaso ang mula sa Cagayan, tatlo rin sa Isabela habang 14 sa Nueva Vizcaya na kinabibilangan na ng isang namatay.

Ang tatlong nagpositibo sa Cagayan ay pawang mula sa lungsod ng Tuguegarao habang ang tatlo ring bagong kaso sa Isabela ay mula sa mga bayan ng Echague, San Mateo at Delfin Albano.

Sa Nueva Vizcaya naman ay tatlo ang mula sa bayan ng Bagabag, apat sa Aritao, lima sa Bayombong kabilang na ang isang nasawi at dalawa sa Solano.

Sa kabuuan ay umabot na sa 1,561 ang naitalang kaso sa rehiyon at 1,028 na ang nakarekober at 508 ang aktibong kaso habang dalawampu’t lima naman ang nasawi.

Sa ngayon ay umabot na sa 588 ang naitalang kaso sa Isabela, 117 ang aktibong kaso, 465 ang nakarekober, at anim ang nasawi.

Sumunod ang Nueva Vizcaya na may 512 subalit pinakamarami namang may aktibong kaso na may 278 habang 219 ang nakarekober at labing lima ang nasawi.

Sa lalawigan naman ng Cagayan ay may naitala ng 377 na kaso, 78 ang active case, 296 ang nakarekober habang tatlo ang nasawi.

Sa lunsod ng Santiago ay 79 na ang naitalang kaso, 35 ang aktibong kaso, 43 ang nakarekober habang isa naman ang nasawi.

Nananatili namang lima ang naitalang kaso sa lalawigan ng Quirino na pawang nakarekober na habang zero case pa rin ang Batanes.