CAUAYAN CITY-Umakyat na sa 1,507 ang confirmed COVID Cases sa region ito.
Sa inilabas na talaan ng DOH region 2, nagtala ng 24 na panibagong COVID cases ngayong araw at nanatiling 24 ang naitalang patay sa buong rehiyon.
Ang active cases sa rehiyon dos ay 522 habang ang recoveries ay 961.
Karamihang naitalang bagong kaso ng COVID 19 ay mula sa lalawigan ng Isabela na mayroong labing dalawa, lima sa Nueva Vizcaya, apat sa Cagayan at tatlo sa Lunsod ng Santiago.
Nanatili pa rin ang Isabela na may pinakamaraming tinamaan ng virus na mayroong 574 kung saan 121 ang active cases; 447 ang recoveries at anim ang namatay.
Habang ang lalawigan ng Nueva Vizcaya ay mayroong 489 confirmed case, 296 ang active cases, 179 ang recoveries at labing apat ang nasawi.
Sa Cagayan ay mayroong 361 confirmed cases na mayroong 65 active cases, 293 ang recoveries at tatlo ang patay.
Isa naman ang namatay sa Lunsod ng Santiago na mayroong kabuoang pitumpu’t walong confirmed COVID-19 case, apatnapo ang active cases at tatlumpu’t pitu ang recoveries.
Walang active case sa lalawigan ng Quirino ngunit mayroong limang confirmed case.
Nanatiling COVID 19 positive free ang lalawigan ng Batanes.