-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Nakapagtala ng karagdagang 57 na panibagong COVID-19 positive case ngayong araw ang region 2

Dahil dito umakyat na sa kabuuang 1,362 ang bilang ng nagpositibo sa virus sa buong rehiyon.

Karamihang panibagong kaso ay naitala sa lalawigan ng Nueva Vizcaya na limampu’t apat ,tig-iisa sa Lunsod ng Cauayan, Lunsod ng Santiago, at Lunsod ng Tuguegarao.

Sa 1,362 COVID 19 positive sa region 2, ang active cases ay 472 at ang recoveries ay 869.

Umakyat naman sa 21 ang namatay matapos maidagdag ang dalawang namatay sa lalawigan ng Nueva Vizcaya na mula sa mga bayan ng Solano at Bagabag.

Nangunguna pa rin ang Isabela sa region 2 na may pinakamaraming tinamaan ng virus na 539, ang active cases ay 115, habang 419 ang recoveries at lima ang namatay.

Pumangalawa ang Nueva Vizcaya na mayroong 405 na tinamaan ng virus, 263 ang active cases, 130 ang recoveries at labing dalawa ang namatay.

Sa lalawigan ng Cagayan ay mayroong 339 COVID 19 positive cases, 57 ang active cases, 279 ang recoveries at tatlo ang namatay.

Ang Santiago City ay mayroong 74 na tinamaan ng COVID 19 , tatlumput pitu ang active cases, tatlumpu’t anim ang recoveries at isa ang namatay.

Habang ang lalawigan ng Quirino ay nakapagtala ng limang nagpositibo sa virus, ang lahat ay tuluyan nang gumaling at wala nang active case.

Nanatili namang COVID 19 positive free ang lalawigan ng Batanes.