-- Advertisements --

Muling naglabas ang state weather bureau ng General Flood Advisory ngayong araw, March 13.

Ito ay dahil sa malawakang pag-ulan na dulot ng easterlies na patuloy na umiiral sa ilang bahagi ng bansa.

Sa abisong inilabas ng weather bureau, maaaring maharap sa banta ng pag-ulan ang Region 8, Eastern Visayas, kasama ang mga localized thunderstorm.

Kabilang dito ang mga probinsya ng Eastern Samar, Southern Leyte, Leyte, at probinsya ng Samar.

Dahil sa mga pag-ulan, posibleng aangat ang lebel ng tubig sa mga kailugan at umabot sa mga mababang komunidad, kaya’t pinapayuhan ang mga mamamayan na bantayan ang sitwasyon at gumawa ng akmang hakbang upang maiwasan ang posibleng panganib.