-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Patuloy ang paalala ng Regional Anti-Cybercrime Unit 02 sa publiko may kaugnayan sa mga naglipanang modus ng mga scammer.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLT.Col. Rovelita Aglipay, Officer In charge ng Regional Anti-Cybercrime Unit 02 sinabi niya na isa sa modus ng estafa ay ang panloloko sa pamamagitan ng online shopping, love scam, package scam at emergency scam.

sa pamamagitan ng package scam ay binibiktima ang mga indibiduwal na madalas gumamit ng socail media account sa pamamagitan ng pagpapadala ng friend request sa posibleng biktima.

Magsisimula ito sa pamamagitan ng pagpapakilala na foreigner o mula sa ibang bansa karamihan rin aniya ay nagpapanggap na kawani ng army na umanoy nakakuha ng malaking halaga ng pera.

Kukunin nila ang loob ng biktima upang mapapayag na tanggapin ang package na naglalaman ng pera kapalit ng personal na impormasiyon ng biktima, oras na naipadala na umano ang package ay may magpapakilala bilang kawani ng bureau of custom ay hihingi ng surecharge fee na 150 thousand pesos sa halip na ipadala ang sinasabing package ay hihingan pa umano ng penalty ng mga magpapakilalang kawani ng NAIA.

Maliban rito ay may ilan ring nabibiktima ng love scam kung saan kukunin ng scammer ang loob ng biktima sa pamamagitan ng pakikipag chat, kalaunan ay hihingan na ng pera ang biktima.

Bilang hakbang ng RACU 2 laban sa mga scammers ay sinisikap nilang makumbinsi ang ilang indibiduwal na hanggang ngayon ay hindi naniniwalang sila ay naloko o niloloko ng mga kawatan.

Bukas ang tanggapan ng RACU 2 para sa mga nabiktima ng mga scammer na dumulog sa kanilang tanggapan, sa Tuguegarao City at Victory Norte Santiago City.
Ganito ang bahagi ng pahayag ni PLT.Col. Rovelita Aglipay ang Officer In charge ng Regional Anti-Cybercrime Unit 02.