-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Isasagawa na sa August 10 ang Regional Brigada Eskwela launching sa tanggapan ng Department of Education (DepEd) Region 2.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Project Development Officer IV Ferdinand Narciso ng DepEd Region 2 na gumagawa na sila ngayon ng mga letters at proposals para sa darating na brigada eskwela.
Mahalaga aniya ang tulong ng mga mamamayan hindi lamang pinansyal kundi maging ang ibang tulong tulad ng pagsasaayos sa mga kagamitan sa paaralan.
Nilinaw naman niya na boluntaryo lamang ito at bawal ang pagsolisit.
Kasabay naman ng launching ng brigada eskwela ay ang 48th founding anniversary ng DEPED dos.