-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tatalima ang Regional Director ng Police Regional Office 6 sa panawagan ni Interior Secretary Benhur Abalos na magresign sa tungkulin ang mga general at full colonels.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Brigadier General Leo Francisco, sinabi nito na susundin nito si Abalos at kaagad na magbibigay ng courtesy resignation sa opisina ng kalihim.

Ayon kay Francisco, wala siyang dapat katakutan dahil tiyak anya na lalabas ang katotohanan at matutukoy ang nga opisyal ng Philippine National Police na nauugnay sa illegal na droga.

Anya, nararapat lang na gawin ay pagkatiwalaan ang gagawing imbestigasyon ng mga otoridad.

Isang paraan rin anya ito upang malinis ang kanyang pangalan at mapatunayan na hindi ito kailanman pumasok sa bentahan ng illegal na droga.