-- Advertisements --
TUGUEGARAO CITY – Ipapatawag bukas ni Agriculture Sec. William Dar ang mga Regional Directors ng kagawaran sa buong bansa kaugnay sa kanilang assessment sa iniwang pinsala ng bagyong Tisoy.
Ayon kay DA RO2 Director Narciso Edillo, halos buong bansa ang naapektuhan ng bagyo na nagdulot ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa sa ibat ibang panig ng Pilipinas.
Kaugnay nito, inihayag ni Edillo na halos aabot sa isang bilyong piso ang tinatayang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura na iniwan ng pagbaha sa Cagayan at Isabela.
Sinabi niya na ipiprisenta niya ito sa kalihim kung saan umaasa ito na kagyat na tutugunan ng kanilang punong tanggapan para agad na maipamahagi sa mga magsasaka ang mga kaukulang tulong gaya ng seed subsidy.