-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Handa na ang Regional Disaster Risk Reduction Management Council (RDRRMC) 12 sa gaganaping Earthquake drill bukas.

Napiling venue o pilot area sa nasabing programa ang Malapatan National High School sa Malapatan, Sarangani Province.

Kaugnay nito, nanawagan ang tanggapan ng Office of the Civil Defense(OCD) 12 sa pamamagitan ni Jorie Mae Balmediano, tagapagsalita ng OCD 12 na makibahagi sa programang ito.

Aniya, mapa private man o governement employees kailangan aniya na mag-participate bilang paghahanda sa mga sakuna tulad ng lindol.

Apela nito sa publiko na seryusohin ang pagsasagawa ng Earthquake Drill lalong-lalo na ang duck, cover, and hold.

Kung maaalala, noong 2018, inilabas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 52, na lumikha ng Program Management Office para sa Earthquake Resiliency.

Tinutukoy din sa EO 52 ang mga tungkulin at responsibilidad ng mga institutional agencies ng gobyerno upang palakasin ang katatagan ng bansa sa mga darating na sakuna katulad ng lindol.