CEBU CITY – Kailangang itulak ang regional fishing agreement upang mapangalagaan ang protektahan ang mga karagatan sa bansa laban sa mga Chinese vessels.
Ito ang naging mungkahi ng political science professor ng University of the Philippines na si Dr. Clarita Carlos kasunod ng allision ng isang Chinese vessel at bangka ng mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea .
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Carlos, sinabi nito na matutukoy sa naturang agreement kung kailan, paano, at sino ang dapat mangisda sa karagatan ng bansa.
Samantala, iginiit din ni Carlos na kakailanganin ng Pilipinas sa pagprotekta ng soberenya ng bansa ang mga kaalyadong nito gaya ng mga bansa sa Southeast Asia.
Kailangang magsagawa rin daw ng masusing imbestigasyon sa naging bangaan sa West Philippine Sea upang malaman ang totoong nangyari.