-- Advertisements --

COTABATO CITY – Hindi pa rin makapaniwala si Faisal M. Guiali ng Biniruan Pob. 9, Cotabato City na napasakamay na nya ang P50,000 bilang Regional Grand Draw Winner sa Mindanao ng Buena Mano Salvo Yr. 16 Promo ng Star FM at Bombo Radyo.

Si Guiali ay ang tumatayong padre de pamilya ng kanilang pamilya at maagang namulat sa paghahanap buhay sa edad na 17 at nahinto sa pag-aaral dahil narin sa kahirapan ng buhay.

Ayon pa sa kanya, na naging tulay ang Bombo Radyo Philippines upang makabalik siya sa kanyang pag-aaral, at malaking utang na loob ito para sa kanya kung sakaling maabot ang pangarap sa buhay.

“Itong premyo kong napanalunan sa Buena Mano Salvo Yr. 16, ay malaking halaga na ito upang makabalik na ako sa aking pag-aaral” Ani Guiali.

Matatandaan, kahapon araw ng Lunes, ensaktong alas-10 ng umaga ay sabay-sabay na ibinigay ng mga himpilan ng Bombo Radyo Philippines sa 24 key cities nationwide ang premyo ng mga grand draw winners ng Buena Mano Salvo Yr. 16 Promo