KORONADAL CITY – Nagsagawa ng caravan ng mga relief goods ang Region-12 papunta sa CARAGA Region para sa pagpapadala ng tulong sa mga apaektadong residente ng bagyong Odette.
Ito ang inihayag ni DILG 12 Regional Director Josephine Leysa sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Leysa, nagtulungan ang National Government Agencies (NGAs) at Local Government Organizations sa Rehiyon Dose upang makaipon ng relief good, mga pagkain at iba pang pangangailangan ng mbga apektadong pamilya.
Ayon sa opisyal, ang outreach mission ay tinawag nilang “Pamaskong Handog ng Dose sa Trese,” bilang pakikiisa ang Rehiyon 12 sa mga nasalanta ni Odette.
Dagdag pa ng opisyal, kabuuang 24 na mga salakyan ang sumali sa caravan na kinabibilangan ng ilan sa mga dump trucks na ipinadala ng mga LGU mula South Cotabato at Sultan Kudarat.
Kaugnay nito,plano din ng DILG-12 na magsagawa pa ng susunod na paghahatid ng tulong sa buwan nga Enero sa susunod na taon.