Ipinag-utos na ng Department of Tourism (DOT) sa kanilang regional offices na magbigay ng tulong sa mga tourist resort at tourism sites na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.
Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco, kabilang sa mga apektadong beach resorts sa lalawigan ng Oriental Mindoro ay ang Aguada Beach Resort, Oloroso Beach Resort, Munting Buhangin Tagumpay Beach Resort at Buhay na Tubig White Beach Resort.
Apektado ang mga ito dahil sa pagkalat ng oil spill sa naturang lugar na umabot na sa probinsiya ng Antique.
Kaugnay nito nakikipag-ugnayan na rin daw ang DoT sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR-EMB), Philippine Coast Guard (PCG) at iba’t ibang lokal na pamahalaan na sakop nito.
Sa datos namang nakalap ng DoT, wala pang naitalang pagkalat ng oil spill sa isla ng Boracay at sa Tubataha Reef.
Sa kabila nito, patuloy naman daw ang kanilang monitoring hinggil dito.