-- Advertisements --

Ipinag-utos na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga regional office sa Northern Luzon na maghanda sa posibleng maging epekto ng super typhoon Henry.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Raffy Alejandro, dapat na mahigpit na i-monitor ng mga regional disaster risk reduction and management officials at Office of Civil Defense directors ang weather warnings at iba pang advisories na inisyu mula sa state weather bureau at iba pang surveillance agencies sa mga maapektuhang lugar partikular na sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR).

Gayundin ang pagsasagwa ng pre-disaster risk assessment sa mga rehiyon.

Inabisuhan din ang mga regional officials na palakasin pa ang risk communication at pagbibigay ng abiso o warning sa mga komunidad na kanilang nasasakupan.

Maalala na ang Northern Luzon ay hindi pa lubos na nakakarekober mula sa pinsalang dulot ng pananalasa ng nagdaang bagyong Florita sa unang bahagi ng Agosto at ang pinsalang iniwan ng tumamang malakas na magnitude 7 na lindol noong Hulyo.