-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi sang-ayon si Regional Peace and Order Council o RPOC chairman/ Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno sa mungkahi ni Presidential daughter/ Davao City Mayor Sarah Duterte na e-exempt ang kanilang lungsod sa martial law na umiiral ngayon sa Mindanao.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Moreno na hindi dapat mawawala ang batas militar sa kahit saang bahagi ng Mindanao dahil sa mataas na panganib na dala ng mga teroristang grupo.

Aniya, malaki ang tulong ng martial law upang mapigilan ang posibleng plano ng mga terorista tulad ng pag-atake ng Maute-ISIS group sa Marawi City noong 2017.

Nilinaw ni Moreno na ang idineklarang martial law ni Presidente Rodrigo Duterte ay hindi upang takutin ang publiko bagkus isa itong preventive measure upang malabanan ang kahit anong banta ng terorismo.