CAGAYAN DE ORO CITY-May isinagawang hakbang ang Regional Peace and Order Council o RPOC upang masegurong hindi na makapang-biktima ang KAPA Community Ministry International Inc. dito sa Northern Mindanao.
Ito ang inihayag ni RPOC chairman at Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno sa panayam ng Bombo Radyo.
Sinabi ni Moreno na kanyang inutos sa PNP region 10 na bantayan ang lahat na galaw ng mga kasapi ng KAPA at sa gayo’y mapigilan ang kanilang plano na muling mag-operate kahit isinara na ang kanilang mga tanggapan.
Nanindigan si Moreno na isang investment scam ang KAPA at dapat lamang arestuhin ang pasimuno nito lalong lalo na si Pastor Joel Apolinario.
Umapela rin ito sa mga KAPA victims na hindi magalit dahil pino-protektahan lamang sila ng pamahalaan.