-- Advertisements --

ILOILO CITY – Napatunayan ng regional winner ng Visayas sa One Two Panalo Part 19 Promo ng Bombo Radyo at Star FM na hindi hadlang ang kapansanan upang manalo ito sa promo.

Ito ay si Kathleen Labrador, 55, ng Jereos Extension Road, Lapaz, Iloilo City, at may brain-child injury.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Labrador, sinabi nito na noong tatlong taong gulang pa lamang siya nalaglag siya sa hagdan sa kanilang bahay sa Cebu City na nakaapekto sa kanyang pag-iisip.

Ngunit sa kabila nito sinikap ni Labrador na mag-aral kung saan hanggang grade 6 ang kanyang natapos.

Ayon kay Labrador, malaking tulong ang napanalunang niyang P50,000 kung saan kanya itong idedeposito sa Queenbank para sa kanyang kinabukasan.