-- Advertisements --

Nagpa-alala ang Comelec ukol sa nalalapit na pagtatapos ng register anywhere program.

Ayon sa poll body, marami na ang nakapag-avail ng naturang programa ngunit maraming pa rin ang hindi nakapagpaparehistro o nakakapag-reactivate ng kanilang voter status.

Ang special registration ay ginawang available sa mga mall, plaza at iba pang mga matataong lugar, kahit hindi ito ang iyong address.

Magtatapos ang proyekto sa darating na Agosto 31, 2024.

Samantala, hanggang September 30, 2024 naman ang local at overseas voter registration na ginagawa sa mga Opisina ng Election Officer sa inyong lugar o kaya sa embahada, konsulada o MECO sa Taiwan para sa overseas.