Kinansela ng Monetary Board ang registration to operate ng Nikko Foreign Exchange.
Saklaw ng kautusan ang remittance and transfer at money changing, pati na ang foreign exchange dealings nito.
Batay sa Monetary Board Resolution No. 1571.A, inaprubahan mismo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Money Service Business (MSB) ang kanselasyon ng registration ng NIKKO FOREIGN EXCHANGE (Nikko FX) para sa kanilang operasyon.
Nag-ugat ito sa mga paglabag ng kompaniya sa mga panuntunan ng Monetary Board.
Bagama’t una na ring nagsumite ng mosyon ang Nikko FX, pinal na ibinasura naman ito ng board.
“…The Monetary Board, in its Resolution No. 407 dated 8 April 2024, denied with finality the request for reconsideration of Nikko FX on the cancellation of its MSB registration to operate as RTC/MC/FXD,” saad ng kanilang abiso.