NAGA CITY – Patay ang umano’y regional coordinator ng Bayan Muna Bicol sa pamamaril sa Zone 4, Barangay San Isidro, Naga City.
Kinilala ang biktima na si Neptali Morada.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay P/Senior M/Sgt. Tobby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office, papunta na sana sa kanyang trabaho sa provincial capitol ng Camarines Sur si Morada nang tambangan ng hindi pa nakikilalang mga gunman pagdating sa naturang lugar.
Nagtamo ng anim na tama ng bala mula sa M16 rifle ang biktima na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.
Sa ngayon, nagpapatuloy ng imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang motibo sa pamamaslang.
Kung maaalala, nitong nakaraang linggo lamang nang bawian din ng buhay ang dalawang human rights worker sa Sorsogon.