-- Advertisements --

Nakatutok ngayon ang militar sa balita na umano’y nagre-regroup ang mga mga terorista matapos ang ilang buwang pananakop sa siyudad ng Marawi.

Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Bienvenido Datuin, bagama’t hindi nila kinukumpirma ang naging pahayag ng Australian authorities, patuloy namang mino-monitor at bina-validate ng AFP ang mga galaw ng teroristang grupo.

Pagtitiyak ni Datuin na constant ang kanilang koordinasyon sa kanilang mga foreign at local counterparts para tugunan ang problema sa terorismo.

Dagdag pa ng opisyal na kabilang sa kanilang concern, bukod sa pagtugon sa armed component, ay ang financial and logistics line ng terrorist organization.

“We are in constant coordination with our foreign and local counterparts to address the scourge of terrorism. The main concern of the security sector is not only to address the armed component but the financial and logistics line of terrorist organizations,” mensahe ni Datuin.

Aminado naman si Datuin na naghahanap lamang ng magandang pagkakataon ang mga terorista para ilunsad ang kanilang masasamang balak.

“There will always be a gap in the security measures being implemented by every nation in the world, big or smal. Terrorists will always look into those gaps and take advantage of them,” dagdag pa ng heneral.

Dahil dito lalo pang palalakasin ng AFP ang pagpapatupad ng kanilang security measures sa pamamagitan ng kooperaayon ng mga sibilyan.

Aniya, malaking tulong sa paglaban sa terorismo ang mga impormasyon na ibabahagi ng mga sibilyan sa otoridad.

“We call on our people to help in the effort against terrorism. The fight against terrorsim is not the sole responsibility of the govt or the security sector but of every citizen of the republic,” dagdag pa ni Datuin.