-- Advertisements --

Ipatutupad ng Light Rail Transit Line 2 ang regular na operasyon sa kanilang mga tren ngayong araw December 25 at January 1 ng susunod na taon.

Inanunsyo ng Light Rail Transit Authority o LRTA, na ito ay para mapagserbisyuhan ang mga commuters na bibiyahe sa mga naturang araw.

Kasunod na rin ito sa utos ni Transportation Secretary Jaime Bautista dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero.

Samantala, shortened operating hours din ang ipatutupad ng LRT-2 sa bisperas ng Bagong Taon sa Disyembre 31, may last commercial trip na alas-7:00 ng gabi mula sa Antipolo Station at alas-7:30 ng gabi naman mula sa Recto Station.

Ang LRT-2 ang siyang nag-uugnay sa Claro M. Recto Avenue sa Maynila at Antipolo City sa Rizal.