-- Advertisements --

Isinusulong ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagkakaroon ng regular employment status ng mga jeepney drivers, sa ilalim ng Public Utility Vehicle (PUV) modernization program.

Magkakaroon na ng permanenteng halaga ang sahod ng mga tsuper kung sakaling mapatupad ang regularisasyon.

Makatatanggap na rin ng benepisyo ang mga jeepney drivers mula sa Social Security System (SSS) at Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).

Ang sa nasabing polisiya ay kapareho ng ipinatupad sa mga bus drivers noong 2012 na ibinatay sa Labor Code, ayon kay DOLE under secretary Benjo Benavidez

Nakipag-ugnayan na rin si Benavides sa Land Transport Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa pagpapatupad ng naturang mungkahi.