-- Advertisements --
Iloilo City – Inaprubahan na sa Iloilo City ang Regulation Ordinance na nagre-restrict sa lahat ng aktibidad ng unvaccinated individuals.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Councilor Atty. Romel Duron, Majority Floor Leader at Chairman ng Committee on Rules sa konseho, sinabi nito na unanimously approved na sa third and final reading ang nasabing ordinance.
Ayon kay Duron, isang malaking paraan ito ng gobyerno ng lungsod para maprotektahan ang unvaccinated individuals at makontrol ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 infections.
Oras na maipatupad ito, hindi na papayagang makalabas ng bahay ang hindi bakunado maliban na lamang kung ito ay essential gaya ng medical necessities.