CAUAYAN CITY – Inihayag ng isang political analyst na ang political dynasty ay resulta ng democracy.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Michael Henry Yusingco, isang political analyst na sa ilalim ng democracy ay kahit sino ang maaring kumandidato sa halalan.
Ayon kay Atty. Yusingco kadalasan na sa isang pamilya ay marami ang kumakandidato.
Hindi lang naman anya dito sa Pilipinas nagkakaroon ng dynasty kundi nagaganap din ito sa Estados Unidos, Japan at South Korea.
Dito naman anya sa Pilipinas masyadong dominante sa political system ang political dynasty na pinagmumulan ng problema.
Ang maaring solusyon dito ay ipatupad ang prohibition sa ating saligang batas upang ma-regulate ang participation ng dynasty sa halalan upang hindi ma-dominate ang political system.
Ito ay para magkaroon daw daw ng pagkakataon ang mga hindi kabilang sa dynasty na manalo at magsilbi sa taongbayan.