Inanunsyo ng Philippine Sports Commission (PSC) na ang makasaysayang Rizal Memorial Coliseum ay matatapos bago ang pep rally ng Team Philippines sa Nobyembre 13 para sa darating na Southeast Asian Games.
Ayon kay PSC chairman William “Butch” Ramirez, tiwala silang maipapamalas sa nasabing okasyon na malakas na unifying factor ang sports sa bansa.
“We are looking forward to this event to show that sports is a strong unifier and equalizer in this country,” wika ni Ramirez.
Dagdag pa ni Ramirez, kusang magbibigay daw ang ahensya ng anim na venues para sa pag-host ng bansa sa biennial meet.
Sinabi naman ni Architect Gerard Lico, na siyang in charge sa rehabilitasyon ng 8,000-seater coliseum, na mayroon silang halos 300 trabahador na nagpapalitan sa tatlong shifts upang matapos ang renovation.
Inamin ni Lico na mabusisi ang kanilang pagsasaayos sa pasilidad dahil huling sumailalim sa renovation ang Coliseum noon pang 1953.
Sa Rizal Coliseum gaganapin ang gymnastics, habang ang Ninoy Aquino Stadium naman ang venue ng taekwondo at weightlifting.
Idaraos ang tennis sa Tennis Center, samantalang sa F