-- Advertisements --

Posibleng umabot pa sa isang buwan ang pagsasaayos ng Clark International Airport.

Ito ay matapos na nasira ang ilang bahagi nito sa pagtama ng magnitude 6.1 na lindol nitong Abril 22.

Bagamat halos 48 oras ay nakabalik na ito sa operasyon ay may mga ibang bahagi pa nito ang inaayos.

Labis naman ang pasalamat ng mga pasahero dahil hindi naapektuhan ang kanilang mga flights sa pagbalik ng operasyon nito.