-- Advertisements --
Iniurong ng Metropolitan Manila Development Authority ang rehabilitasyon ng Magallanes Flyover sa darating sa Oktubre 2024.
Ito ay matapos na maudlot ang isasagawa sanang retrofitting ng naturang flyover ngayong buwan nang dahil sa isinasagawa ring rehabilitasyon ng Department of Public Works and Highways sa Kamuning Flyover sa Quezon City.
Dahil dito ay maagang nag-abiso si MMDA Chairman Romando Artes hinggil sa kanilang mgaa ipapatupad na road closure sa Magallanes na ipatutupad tuwing alas-10:00pm at alas-5:00am sa loob ng siyam na buwan o hanggang Hulyo 2025.
Kaugnay nito ay asahan na ang mararanasang matinding siksikan sa trapiko sa bahagi ng EDSA malapit sa Makati at Mandaluyong areas.