-- Advertisements --
DAGUPAN CITY- Isinusulong ng Provincial Environment And Natural Resources (PENRO) ang rehabilitasyon ng Pantal River dito sa lungsod ng Dagupan.
Ito ay matapos na makapagtala ng mataas na coliform bacteria ang tubig sa ilog.
Isa sa nakikitang dahilan ay ang kakulangan ng palikuran ng mga residente na nakatira sa gilid ng ilog.
Samantala, tinugunan na ng lokal na pamahalaan ang problema ng mga informal setllers sa tabing ilog.
Plano ng PENRO na linisan ang water waste, inspeksyunin ang mga palikuran ng mga residente at mga establisyemento at pagpapatupad ng solid waste management program.