-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Inilunsad na ang rehabilitasyon sa bahay ng namatay na si Cardinal Jaime Sin kung saan, gagawin itong museum sa bayan ng New Washington, Aklan.

Ang programa ay pinangunahan ng Serviam Foundation na siyang may custodian sa bahay sa kooperasyon ng Diocese of Kalibo sa pamumuno ni Archbishop Jose Corazon Talaoc, lokal na pamahalaan ng New Washington, National Museum of the Philippines at National Historical Commission of the Philippines.

Sa talumpati ni New Washington mayor Jessica Panambo, taos puso siyang nagpapasalamat sa pormal na rehabilitasyon sa nasabing bahay kung saan, maituring aniyang yaman ang legasiya na iniwan ng namayapang Cardinal na malaki ang naging papel sa kasaysayan ng bansa.

Una rito, nagkaroon ng Memorandum of Agreement sa gitna ng Diocese of Kalibo at Serviam Foundation na nilagdaan noong Agosto 31, 2024 kasabay ng ika-95 taong kaarawan ni Cardinal Sin sa Manila Cathedral.
Nakalagda sa MOA sina Msgr. Rolando dela Cruz at Fr. Rufino Sescon Jr. ng Seviam Foundation; Bishop Jose Corazon Tala-oc at si Fr. Justy More ng Historical Research, and Cultural Council ng Diocese of Kalibo

Layunin ng diocese sa pagtayo ng museum na ma-preserve ang mga alaala ni Cardinal Sin at maturuan ang mga susunod na henerasyon hinggil sa kaniyang buhay at teachings.

Target ng diocese na ilagay sa museum ang koleksyon at ecclesiastical artifacts gayundin ang archival materials.