-- Advertisements --
Iniurong ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa susunod buwan ang pagsasaayos ng kahabaan ng EDSA.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, na magkakaroon pa ng pulong sila ng DPWH at ilang ahensiya para maisayos ang lagay trapiko kung magsisimula na ang rehabilitasyon ng EDSA.
Imbes na sa Marso 24 na magsisimula ang pagkumpuni ng EDSA ay isasagawa na lamang ito sa unang linggo ng Abril.
Tiniyak naman ni Dizon na magbibigay sila agad ng abiso para hindi bumigat pa ang lagay ng trapiko sa EDSA.