Nakumpleto na ang rehabilitasyon ng Dolomite beach sa Manila Bay ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ginawa ni DENR Undersecretary Jonas Leones ang naturang pahayag s pagdinig ng Senate committee on finance ngayong araw kasabay ng paghayag na hindi na kailangan ng karagdagang pondo para sa artificial white sand beach project para sa taong 2023.
Sa halip ang alokasyon para sa Manila Bay rehabilitation ay ilalaan na lamang sa mga lugar sa paligid ng Dolomite beach at para sa installation ng waste management facility para matiyak ang conservation nito.
Aabot sa P389 million Dolomite Beach project kabilang dito ang paglalagay ng crushed o durog na dolomite sa 500 metrong kahabaan ng kalupaan sa may Manila Bay.
Una rito, ilang proponents ang tinawag na beach nourishment ang naturang proyekto subalit binatikos naman ito ng mga kritiko dahil sa pagwawaldas lamang ito sa kaban ng bayan.