-- Advertisements --

Pinasisimulan na ni Pangulo na ang rehabilitation at recovery phase sa Agrikultura at sa imprastraktura.

Kasunod ito ng iniwang pinsala o agricultural damage ng bagyo at habagat na sinabayan pa ng high tide.

Ang direktiba ng Pangulo sa Department of Agriculture (DA) habulin ang planting season at ng sa gayon ay mabigyan ng tulong ang mga naapektuhang magsasaka.

Kaugnay nito pinatutukoy ng Pangulo ang mga lugar kung saan pwedeng ipadala ang binhi, gayundin ang fingerlings na aniyay kailangang agad na maibigay sa mga kinauukulan.

Kailangan aniyang makabawi ang mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng mapanirang nagdaang kalamidad at matiyak na hindi mawalan ang mga ito mga hanapbuhay.