Matapos ang mahigit isang linggong pananatili sa Pilipinas, nagpaalam na si reigning Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu na siya ay babalik na sa New York.
Ayon sa 22-year-old Indian model, hindi na siya makapaghintay na makabalik sa Pilipinas na inilarawan pa nito bilang “the best” kung saan nakapasyal ito sa Vigan, Ilcoos Sur.
“So guys, it’s time to say goodbye as I’m heading back to New York. Philippines, you are the best and you will always be the best. Thank you so much for sharing a lot of love, a lot of gratefulness, and I can’t wait to come back again,” saad ni Sandhu sa video post ng Miss Universe sa tinatawag na Instagram Stories.
Nitong huling araw ng Abril nang magsilbing isa sa mga judge si Harnaaz sa idinaos na coronation ng Miss Universe Philippines kung saan kinoronahan ang Pasay beauty na si Celeste Cortesi.
Nagsilbing event host naman ang mga Miss Universe title holders na sina Iris Mittenaere ng France noong 2016, Demi-Leigh Tebow noong 2017 at ang Pinay na si Pia Wurtzbach noong 2015.
Kabilang sa advocacy ng reigning Miss Universe ay ang kalusugan ng mga kababaihan gaya ng pagdanas ng menstruation o ang “monthly period.”