-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nagpasalamat si Ako Bicol Party-list Rep. Alfredo “Pido” Garbin Jr sa Inter-Agency Task Force (IATF) sa pakikinig sa apela na tanggalin na ang barrier sa motorcycle backrides.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Garbin, mabuti naman umanong napagtanto nang hindi magagamit ang barrier sa paglaban sa coronavirus disease.

Giit pa nitong dapat na i-reimburse ng pamahalaan ang mga nagastos ng mga rider dahil malaking halaga ang nasayang sa pagbili lamang ng barrier.

Ayon kay Garbin, kung pinakinggan agad ng pamahalaan ang panawagan hindi sana nasayang ang pera ng ilan at napakinabangan sa mas mahalagang bagay.

Dagdag pa nito na dapat na makinig muna ang mga nasa public office sa publiko bago magdesisyon dahil ang publiko pa rin ang naghihirap sa maling desisyon.