Makakatanggap ng backpay ang nasa 72 mga empleyado ng National Food Authority na kamakailan lang ay nakabalik muli sa serbisyo.
Kasunod ito ng pagbawi ng Office of the Ombudsman sa inilabas nitong suspension order laban sa naturang mga tauhan ng nasabing ahensya, kaugnay pa rin sa maanomalyang rice buffer stock issue na bumabalot sa NFA.
Ayon kay NFA Acting Administrator Larry Lacson, magsisimula ang computation ng backpay ng naturang mga empleyado mula sa petsa ng effectivity date ng suspension order laban sa kanila.
Samantla, sa kabilang banda naman ay sinabi rin ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na sa pamamagitan ng desisyong ito ng Ombudsman ay mapapahintulutan na rin aniya ang ilang mga bodega ng NFA muling mabuksan para makatulong na rin sa procurement ng mga dagdag pang mga supply ng palay.
Kasabay ng pagpapahayag na malapit na rin aniyang matapos ang ginagawang sariling imbestigasyon ng kanilang ahensya sa isyu ng kontrobersyal na pagbebenta ng rice buffer stocks ng NFA na kanila rin aniyang isusumite sa Office of the Ombudsman.