-- Advertisements --

Ibinasura ng Manila Office of the City Prosecutor (OCP) ang reklamong laban sa paglabag sa Public Assembly Act of 1985 laban kina Liza Maza, RRonnel Arambulo, Amirah Lidasan, at Eufemia “Mimi” Doringo dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Kabilang din sa inireklamo sina House Deputy Minority Leader France Castro, Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, Vladimir Quetua, Cristy Donguines, Mody Floranda, Danilo Ramos, Jerome Adonis, Jocelyn Abdamo, at Ferdinand Gaite.

Ayon sa anim na pahinang resolution, na ang may pananagutan sa ilalim ng Section 13 ng Public Assembly Act ay ang lider o organizer ng pagtitipon.

Nakasaad sa desisyon na walang anumang mabigat na ebidensiya na ang mga nabanggit na indibidwal ang nag-organisa ng rally noong Nobyembre 2024 sa pagdiriwang ng araw ng Andres Bonifacio.

Hindi na napatunayan at walang ebidensyang nakita ang OCP na mayroong nasugatang kapulisan sa nasabing insidente.

Nagkaroon lamang ng commotion sa Recto Ave. ng harangin ang ilang mga participants ng rally ng mga kapulisan.

Dahil dito ay inirekomenda ng OCP na tuluyang ibasura ang nasabing reklamo.