-- Advertisements --
AAP Rocky
Asap Rocky/ IG post

Ibinasura ng Swedish prosecution service ang reklamo laban sa US rapper na si A$AP Rocky.

Kinumpirma ito mismo ang abogado ng lalaking binugbog umano ng rapper.

Magugunitang ikinulong noong Hulyo 3 ang rapper matapos na masangkot ito sa pambubugbog sa Stockholm noong Hunyo 30.

Iginiit naman ng abogado ng rapper na pinagtanggol lamang ng 30-anyos na rapper ang kaniyang sarili laban sa pang-aatake.

Dahil sa pangyayari ay nanawagan ang kapwa singer at rapper kay US President Donald Trump na tulungan itong makalaya.