Ibinasura ng korte ang kasong harassment laban sa singer na si Lizzo.
Ayon sa Los Angeles federal judge na hindi maaring kasuhan ng wardrobe assistant na si Asha Daniels ang Grammy winner.
Sa halip ay ang kakasuhan ay ang touring company na Big Grrl Big Touring Inc.
Inireklamo kasi ni Daniels ang singer dahil sa racial at sexual harassment habang sila ay nasa tour noong 2023 ganun din ang hindi pagbayad sa kaniyang overtime.
Kasama na ring ibinasura ni US district judge Fernando L Aenlle-Rocha ang lahat ng pitong cause of action laban kay Lizzo at sa tour manager nito na si Carlina Gugliotta.
Pinayagan din ng korte ang partial motion to dismiss dahil nagtrabaho si Daniels sa kumpanya habang ito ay nasa tour sa Europe kung saan ang batas sa America ay hindi epektibo.
Una rito ay itinanggi ng kampo ng singer ang mga alegasyon laban sa kaniya.