BUTUAN CITY – Nagpalabas na ng kanyang statement si Surigao del Norte 1st District Congressman Francisco Jose “Bingo” Matugas II hinggil sa insidenteng naranasan ni Yan Asuncion, ang asawa ng singer na si Yeng Constantino.
Ayon sa kongresista, nalungkot siya sa nangyari sabay pahayag na kasama sa kanyang panalangin ang tuluyan nang paggaling ni Asuncion.
Pinasalamatan din ni Congressman Matugas ang “Ikaw” singer sa pagtawag sa kanilang atensyon sa mga isyung dapat tutukan lalo na sa pagresponde sa mga emergency situation na posibleng magaganap pa sa mga tourist spots ng Siargao Island sa hinaharap.
Tiniyak naman nito sa publiko na may ginawa ng mga hakbang ang provincial government, local executives, mga health at tourism officials at ang ang kanyang representasyon, upang gawin ang Siargao na isang ligtas na tourist destination.
Kahit noong hindi pa nangyari ang naranasan ng mga kaanak ng ilang prominenteng pesonalidad, naghain na sila ng lehislasyon na mag-develop sa status nang kinwestyon na institusyon gaya ng Siargao District Hospital sa bayan ng Dapa.
Ito’y upang gawin itong Level 2 hospital na may karagdagang equipment at mga hospital beds, kasama na ang pagkakaroon ng 100 rooms na sa ngayo’y 15 lamang.
Dagdag pa ng kongresista, ang pag-upgrade sa ospital ay makakatulong din upang tugunan ang pinakamalaking concern ng ospital gaya ng kakulangan sa manpower pati na mga doktor, nurse, technicians at janitors, dahii nangangailan din ito ng budget mula sa National Government.
Kung maaalala, naaksidente ang asawa ni Yeng o Josephine Eusebio sa tunay na buhay matapos mag-dive sa Sugba Lagoon at nagka-memory loss.