-- Advertisements --

Patuloy na nakakatanggap ng reklamo ang PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kaugnay sa mga anomalya sa distribusyon ng cash aid ang Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno.


Sa datos na inilabas ng PNP CIDG, simula April 1 hanggang July 10, 2020 umabot na sa 300 kaso ang kanilang naitala.

Nasa 619 complainants ang nagsampa ng reklamo laban sa 916 na mgs suspeks kabilang ito ang 385 elected public officials.

Ayon sa CIDG, sa 300 kaso, 51 dito ay under investigation, 201 ay naisampampa na sa ibat-ibang korte, Lima ay nakatakda nang isampa, anim dito ay inendorso sa ibang ahensya ng gobyerno at 37 kaso ay hindi na naisampa dahil sa iba-ibat kadahilalan.

Ang PNP at AFP, ang tumutulong sa DSWD sa pamamahagi ng ikalawang tranche ng cash aid.