Wala umanong kuwestiyon kung ang isang bansa ay nag-withdraw na sa tinatawag na Rome Statute dahil maaari pa ring litisin ang isang lider o dating lider sa ilalim ng International Criminal Court (ICC).
Ito ang paliwanag ni Atty Raul Pangalangan, dating judge at president ng Trial Division of the International Criminal Court.
Ginawa ni Pangalangan ang pahayag matapos sabihin ng Pangulong Rodrigo Duterte at mga opisyal ng Malacanang na walang hurisdiksiyon ang ICC sa alegasyon na war on drugs laban sa pangulo.
Kung maalala una nang hiniling ni dating Prosecutor Fatou Bensouda sa ICC na ituloy na ang paglilitis sa akusasyon na crime against humanity laban kay Duterte.
Nilinaw naman ni Pangalangan na sa ngayon ay humihiling pa lang ang prosecutor ng permiso sa Pre-Trial Chamber na ipagpatuloy ang imbestigasyon.
Aniya, aalamin pa ng Pre-Trial Chamber kung meron bang sapat na dahilan para ipagpatuloy ang imbestigasyon at kung ang kaso ay nasa hurisdiksiyon nga ba ng ICC.
Dagdag pang paliwanag ng dating international judge, nasa kamay na ng ICC prosecutor at sa mga biktima ng mga human rights violations kung handa nilang ipresenta ang kaso sa Pre-Trial Chamber.
Ang pagsasalita ni Pangalangan sa forum ay co-organized ng UP Institute of Human Rights, UP Institute of International Legal Studies, at Integrated Bar of the Philippines.