Palaisipan ngayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. sa inihaing reklamo ng mga asawa ng political prisoners kaugnay sa strip search na kanilang naranasan sa kanilang pagdalaw sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon sa BuCor chief, maraming beses ng dumalaw ang mga complainant sa national penitentiary sublut ngayon lamang umano nagreklamo ang mga ito.
Aniya, ang isang complainant na si Gloria Almonte ay dati ng pumirma sa 14 waivers na nagpapakita na pumapayag itong mainspeksiyon.
Habang ang isa pang complainant na asawa din ng isang political prisoner ay pumirma ng 11 waivers.
Samantala, nang tanungin naman ang BuCor chief kung nahulihan ng nagpuslit ng iligal na droga ang 2 complainant, sinabi ni Catapang na wala nakumpiska na kontrabando mula sa mga ito.
Bagamat iginiit ng opisyal na nasa 30 mga dalaw ng PDLs na ang naharang na sinubukang magpuslit ng illegal drugs at tabako.
Ang pagayag na ito ng opisyal ay kasunod ng inihaing reklamo ng mga asawa ng political prisoners nitong Martes sa Commission on Human Rights laban sa strip search na isinagawa ng NBP Maximum Security Compound noong Abril 21.
Nagbunsod naman ito sa BuCor chief at kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na imbestigahan ang naturang isyu gayundin sinimulan na ng CHR ang pagsasagawa ng pagsisiyasat sa inihaing reklamo.
Nitong Miyerkules naman ng ni-relieve sa pwestoa ng 7 correction offiecrs sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon .