-- Advertisements --

Nakatakdang pagpulungan bukas ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon ibaba na sa Alert Level 1 ang buong Pilipinas.

Ito ay may kaugnayan sa naging rekomendasyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ilagay na sa Alert Level 1 ang buong bansa.

Sa ngayon, tanging ang National Capital Region (NCR) at 38 pang mga lugar sa bansa ang nasa ilalim ng naturang pinakamaluwag na alert level o New Normal.

Habang nananatili namang nasa ilalim ng Alert Level 2 ang natitira pang mga bahagi ng Pilipinas.