-- Advertisements --

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga rekomendasyon ng Department of Health (DOH) na palakasin ang pagpapatupad ng minimum public health protocols, gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield at pagtalima sa social distancing.

Sa press conference nito sa Ilocos Norte, sinabi ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, palalakasin pa raw ng gobyerno ang mga health protocols, kasama na ang contact tracing at quarantine sa lahat ng mga nakasalamuha ng mga pasyenteng may COVID-19.

Paglalahad pa ni Roque, sasailalim ang mga suspected cases sa RT-PCR tests.

Napagpasyahan din aniya ng IATF na ipatupad ang StaySafePH bilang bahagi ng hakbang para sa contact tracing.

Sa mga lokal na pamahalaan naman, inihayag ni Roque na kinakailanagan ipatupad ang COVID-19 Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) sa pamamagitan ng pinalakas na mobilisation ng barangay health emergency response team.

Kasama rin daw sa CODE ang pagmo-monitor sa mga workplaces at iba pang closed settings tungkol sa case data ng mga ito at pagsunod sa minimum public health standards.

Kabilang din aniya rito ang pagsiguro ng tamang handover sa LGUs ng mga returning Overseas Filipinos at mga papasok na mga international travelers para matiyak ang pagsunod at makumpleto ang quarantine o isolation.