-- Advertisements --

Ilalabas ng Vaccine Expert Panel ang kanilang rekomendasyon sa mga booster shot at karagdagang doses sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

Sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo na kailangan nilang seguraduhin ang safety at efficacy ng dalawang doses.

Hinimok din ni Domingo ang pribadong sektor na iwasan muna ang pagbibigay ng booster shots sa mga empleyado nito pansamantala.

Nauna nang sinabi ng Department of Health na ang mga booster shot ay ibinibigay kapag ang immunity ay nagsisimula nang humina pagkatapos ng ilang buwan mula nang matanggap ang bakuna habang ang mga karagdagang doses, o ang pangatlong doses ay ibinibigay sa mga indibidwal na hindi makapag-mount ng naaangkop na immunity laban sa sakit.

Nauna na ring sinabi ni Usec. Domingo na ang FDA ay nakatanggap ng mga aplikasyon para amyendahan ang emergency use authorizations ng ilang COVID-19 vaccines para maisama ang ikatlong doses sa kanilang regimen.