-- Advertisements --

Kinumpirma ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa na kaniya nang pinirmahan ang inilabas na rekomendasyon ng PNP Internal Affairs Service (IAS) kaugnay sa kaso nina P/Supt. Marvin Marcos at 18 pang ibang pulis na responsable sa pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Sinabi ni Dela Rosa na ang rekomendasyon ng PNP IAS ay dismissal from service, demotion at suspension.

Pero magkakasalungat naman ang pahayag nina PNP chief at C/Supt. Rene Aspera ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM).

Pahayag ni Aspera, demotion at suspension lang ang rekomendasyon ng IAS.

Giit ni Aspera na hindi pa nila ito maaring ipatupad dahil may karapatan pa ang mga akusado na maghain ng motion for reconsideration.

Suportado ni PNP chief ang rekomendasyon ng PNP IAS.

Sa kabilang dako, inihayag ni PNP chief na hindi nakikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang desisyon sa PNP.

Una nito ay nagbigay katiyakan ang pangulo na kaniyang bibigyan ng pardon at maari pang ma-promote ang grupo nina Marcos pagkatapos silang ma-convict sa pagpatay kay Mayor Espinosa.