-- Advertisements --

Kinundina ng PDP Laban na pinamumunuan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang naging rekomendasyon ng House Quad Committee kung saan ay pinakakasuhan nito ang dating Pangulo.

Ang naturang rekomendasyon ng komite ay may kinalaman pa rin sa umano’y madugong war on drugs ng nakalipas na administrasyon.

Kabilang sa pinakakasuhan ng komite ay sina dating Philippine National Police Chief at ngayon ay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa at Sen. Bong Go dahil sa umano’y mga krimen sa pagpapatupad ng war on drugs.

Ayon sa PDP, ang hakbang na ito ng Quad Committee ay malinaw na politically motivated at walang matibay na basehan.

Paliwanag ng partido na ang mga testimonya ng mga resource person sa ginanap na 13 Quad Committee hearing ay dahil sa pressure at pamimilit sa mga ito.

Kinuwestiyon rin ng PDP ang umano’y pagbabanta ng komite sa mga resource person na kung hindi sila magsasabi ng totoo ay maaari silang i-contempt.

Giit pa nito na ang mga pagdinig ng komite ay ‘bias’ na talaga para sa mga Duterte noong una pa lamang.