Nakatakdang isumite ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang rekomendasyon kaugnay sa posibleng extension ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay AFP spokesperson M/Gen. Restituto Padilla, ang kanilang rekomendasyon kung papalawigin o hindi ang Martial Law sa Mindanao ay kanilang ipapadaan sa Cabinet Security Cluster matapos ang isang “thorough assesment”.
Paliwanag ni Padilla, ang main objective ng AFP ay lubusang i-degrade ang kapabilidad ng mga terrrista sa Mindanao para hindi na maging banta sa seguridad ang mga ito.
Aniya, sa ngayon sinisikap ng AFP na ma-achieve ang target na ito sa panahon na ibinigay sa kanila.
Hindi aniya nagtatapos ang trabaho ng militar sa pagpulbos sa Maute Terror Group sa Marawi dahil may mga ibang threat groups tulad ng New People’s Army at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters na kailangan pang i-neutralize sa Mindanao.
Ang ipinaiiral na Martial Law sa Mindanao ay magtatapos sa December 31 ng taong ito kung hindi na papalawigin sa ikalawang pagakakataon.